Wednesday, July 30, 2008

Susubukan ko muling magsulat

Matagal – tagal na rin ang lumipas ng kumuha ako ng subject na journalism sa high school. Ito yung kinuha ko na electives - Filipino Journalism, since hindi pwedeng kumuha ng ibang electives ang mga nasa section one. Akala ko kasi noon madali lang magisip at the same time magsulat dahil Pilipino kinuha ko…pero mahirap rin pala. Kalaunan nag – enjoy rin naman ako, yun nga lang hindi ko ito kinareer.

Nasubukan kong sumulat ng balita, features, editoryal, sports at iba pa. Lahat ng ito napagdaanan ko sa patnubay ng nagiisang guro sa Bagong Silangan High School ng filipino journ na si Mrs. Duka. Naalala ko noon ng pinagawa nya kami ng balita base sa mga facts na binigay nya, nakakatuwa kasi mabilis akong natapos dahil parang may formula yung ginagawa ko, may tinatawag na vertical pyramid, meaning mas mahahalaga dapat ang impormasyon sa simula ng balita kesa sa dulo at kadalasan suporta na lang ang nasa pagtatapos. Isa ito sa mga nagustuhan kong gawin, at ang dahilan nga mabilis kasi ako natapos wala ng mga palabok. Nakagawa rin naman ako ng feature, napuri pa nga ako e, basta ang natatandaan ko tungkol ang istorya sa bata na sobrang na-amaze sa mga nakita nya sa lungsod. Sa editoryal naman depende sa mood, kapag feel ko na magalit mas maganda ang kalalabasan ng editoryal ko. Sports balita, medyo ok rin ako dito ang problema lang konti ang alam kong mga sports term na tagalong.

Pero dahil mabagal ako magsulat hindi ko naranasan ilaban sa mga contest. Sa klase pa lang kasi namin na halos dalawang oras hindi ako nakakapagpasa on-time kadalasan pahabol, yung tipong tapos na ang klase tapos iba na yung subject namen mageexcuse ako sa klase kunyari magsi-cr ayun pala magpupunta ng Filipino Depatment para magpasa ng article. Medyo tamad talaga ako kumopya, mahilig nga ako magkumahog pagpasahan na ng notebook e, hiram na lang sa kaklase tapos overnight na magsusulat sa bahay. Hindi rin ako mahilig mag-blogs kasi nga hindi ako makapag-isip ng may sense na isusulat.

Ito ang siste ngayon, magkakaroon ng newsletter ang simbahan at isa ako sa mga napiling sa tingin nila ay maaaring makatulong sa paggawa nito. Napili ako na maging News Editor, challenging diba…kaya walang pagdadalawang isip na sumali ako. Kung tutuusin konti lang talaga ang background ko pagdating sa pagsusulat pero dahil alam ko sa sarili ko na makakatulong ako at mabilis kong maipaaabot sa mga taga-silangan ang mga impormasyong dapat nilang malaman, yung mga alam ko lang naman, kaya di na ako nag-atubili pa. Bukas naman ako sa mga criticisms at gusto ko talagang matuto. Alam kong mas maganda na rin ito para mas maging at-ease ako sa pagsusulat. Kaya ito ako ngayon sinusubukan ko na ulet magsulat, practice baga, impormal nga lang.

Ginagawa ko ito para sa Kanya at para sa kapwa ko. Mas masarap kasing isipin kahit sa maliit na paraan may nagawa ka. Nasubukan ko na ang ibat-ibang posisyon sa school, community at iba pa, masasabi kong kahit papaano nagperform rin naman ako ng maayos. Sana sa bagong responsibilidad na ito makapagiwan din ako ng legacy. Abangan ninyo guys ang first issue ng newsletter.