Saturday, September 27, 2008

real life paintings for you my friend

Napadaan ako last Friday, September 26, 2008 sa Glorieta. Im on my way palabas ng mall when I saw Joey Velasco's Painting Exhibit. Since I have little know-how on his work, bumaba ako para maki-usyoso.

Every one was so amazed sa mga nakita nila, including ako. Ang galing sobra! Paano niya kaya naisip itong ganitong idea...and how he transfer his idea into a very very beautiful paintings which conveys everything na hindi nakikita ng ating mga mata.

This man I think already knew his purpose why he lives. Saludo ako sa'yo Bro! Sabi ko nga sobrang na-touch ang lahat sa meaning ng mga paintings. Thanks for giving everyone a good medium which let us realized that "GOD IS ALWAYS WITH US". Naniniwala talaga ako dun.

I'm sharing this pictures taken from my cp, so expect na hindi gaano malinaw ang mga shots. Sayang nga lng hindi ko nakuha yung mga title ng paintings para nakatulong sana sa pag-describe naten sa bawat painting. Hehe, na - late nga ako sa work dahil sa pagkuha ng mga pics kasi gusto ko talagang i-share sa inyo 'to guys! If you have time nga to browse pede nyo rin i-visit ung site nya http://joeyvelasco.com/paintings.htm to see yung iba nya pang mga paintings and to know more about him and his works.



The very first time na nakasalamuha ko yung work niya was when I attended Class PREX 31 seminar - workshop sa church. Ipinapanood kasi sa amin ni Bro. Bobby, student friar from Carmelites, the video documentary created by Joey himself, about the childrens and their real life situation sa painting niya entitled "Hapag ng Pag - asa", the video is called "Kambas ng Lipunan" I think. Ito ung painting na imbes mga santo and propeta ang kasama ni Jesus Christ sa "The Last Suffer" e pinalitan nya ng mga bata. At hindi basta mga bata lang, mga batang laki sa kahirapan at expose mga di magandang pangyayari sa buhay.




If you want to watch the video visit Hazel's multiply. Aside from that, hindi ko akalain na marami pa pala siyang paintings na sobrang magaganda at mapapa-isip ka. Here are they and my own short discription.

You can notice on the painting ung truck ng basura, mag-anak na may bagong panganak na sanggol, at mga taong nakapalibot sa truck. Sila ang mga taong umaasa sa truck na ito para mabuhay. Parang ginawang sabsaban ang naging concept na nagsasabing sa panahon ngayon ultimo basura na itinapon na ng iba would give a new life to someone na patuloy na umaasa dito.


This painting reflects children holding the cross and Jesus Christ. Simply means that not only God ang pumapasan at nahihirapan sa mga ginagawa nating kasalanan. Also, these little children na wala pa nga halos kamuwang-muwang sa mundo e puro paghihirap at pagbabayad na ng kasalanan ng iba ang aabutan. Di ba nga merong kasabihan na dahil daw sa laki ng utang ng Pilipinas pati ung mga hindi pa ipinanganganak may utang na. Hay Life!

Ito naman yung pagpako sa kamay ni Kristo na hinarangan ng kamay ng isang bata. Buti pa yung bata na ito kayang gawin yun, Tayo kaya?! Kaya ba natin?

Si Jesus Christ dino-drawing ung mama. Tama naman diba? He is the one that really know us. Siya yung nakakakita ng lahat ng ginagawa natin. Kaya kahit ano pang bihis natin at ayos hindi natin maitatago sa kanya ang lahat. Siya lang ang may alam ng tamang kulay, sukat at expression na maglalarawan sa atin.

Hawak ni Jesus Christ ang sirang Flag ng Pilipinas. Kita niyo naman kahit sira na tayo dahil sa mga problema ng bansa, binibigyan niya pa rin tayo ng pag-asa. Patuloy nya pa ring itataas at iwawagayway ang flag naten sa mundo.

Kahit saan at kahit anong oras pwede naten siya makausap, basta tatawag lang tayo at magdarasal sa Kanya. Ayan nga sa painting, likod yata ng bahay yan, ginawa pang patungan ni Kristo ang mga gulong. Tayo ba? Simbahan lang yata at tuwing may problema lang tayo tumatawag sa kanya e. Siya anytime and anywhere walang pinipili.

Maga bata sila pero sila ang nagbaba kay Kristo sa krus. Ito yung gusto sabihin ng painting Challenge yan sa atin. Kaya ba natin maging isang musmos muli sa sarili natin at arugain si Kristo? Tulad ng ginawa niya sa atin.

Kung nasa dilim ka at nag - iisa, nakakulong at bilanggo, kasama natin SIYA. Handa niya tayong damayan lalo na kung kelangan natin ng tulong. Kulungan man yan para lang makasama at maipadama nya ang pagmamahal niya sa atin, magagawa niyang magpakulong din.

Mga propeta sila pero kahit sila nagtataka bakit ang mga bata ang kasama ni Hesus sa huling hapunan. Parang sinasabi na kahit na ikaw pa ang pinakabanal na tao sa tingin mo, kung sa tingin niya ay hindi ka totoo sa pananampalataya mo, hindi ka nararapat. "Lord I am not worthy to recieve you, but only say a word and I shall be healed" - naririnig nyo ba ito sa misa?

They are special children, yet they treated God right. How about us? Tayo walang sakit at binigyan ng tamang pag-iisip pero parang hindi tama ang pinag-gagawa natin.

Parang mother and child pero ito sa totoong buhay. Ang tunay na replika ng mother and child ay nasa ating pag-aaruga sa ating mga anak (kung pamilyado kang tao), sa ating magulang at mga kapatid, sa ating kaibigan at sa ating community.

Sana hindi gira at labanan ang kalakihan ng bata na ito. Sana wag siya mamulat sa karahasan. Sana makilala niya ang tunay na tagapagligtas at hindi siya ma-misinterpret dahil hindi dagot ang gira at karahasan sa kahit anong problema. Mga magulang sa murang edad ituro natin ang bagay na ito sa mga bata.

These are all the paintings na nasa exhibit niya. Pagpapasensyahan niyo na lang ako, kung sa tingin nyo nasermonan ko kayo. Pero I know na napaisip kayo at na - touch kayo sa mga nakita niyo. Also, alam ko na may iba rin kayong pakahulugan sa mga nabasa nyo, sana i-share nyo rin ito sa iba malay natin your words can guide them properly and could move them sa tamang pananampalataya.

Thanks for reading!:)

Tuesday, September 23, 2008

Kinda "Pirata" of Movies

Ouch! tinamaan ako sa title...hehehe. Actually medyo ibang klaseng piracy, mas OK and sosyal...hindi kasi ito ung binibili na mga dvd's sa palengke. Walang bayad at high def techie ang dating.

Hmmm...medyo nahihilig kasi ako ngaun sa mga movies na downloaded from net. Dati nood - nood lang sa mga video streaming ngayon gusto ko may kopya na rin ako. Mas Ok to kasi DVD ripped copy at maliit lng ang file, so mas mabilis ipasa sa mga taong may gusto.

Madami - dami na rin akong movies as of now, sinusubukan ko nga gumawa ng listahan e, kaso nakakatamad ang dami. Pero one of these days mailalabas ko rin yun dito...hehehe,,,para makita nyo at para mang-inggit sa inyo. *wink*

Ang pinagkaiba lang sa piracy nito ng DVD, ayun may huli ng Optical Media Board ni Tito Edu, eto since virtual, wala! San ka pa?! At, ang tito ko dito Si "Leo Geraldez", (hahaha... lagot ako pag nabasa nya 'to.) Kami kasi ang pasimuno nito sa trabaho. Dalawa kami nagtutulong na mapuno ng mga movies ang HD namin, ngayon nadadagdagan na, nandiyan na rin si mojo-jojo. Naiinggit e kaya bumili na rin ng portable drive.

Kaya kung ako sa inyo bumili na rin kayo ng Portable Hard Disk. Mine is 250gb, Western SATA drive...whats yours?Luma na ang USB ito na ang uso.hehehe.Ang yabang ko!