Sunday, February 8, 2009

Si Ms. HR, si Mr. Guy at si Bombay


Gusto ko sila ipakilala sa inyo. Ilan sila sa mga taong nakasalamuha ko by the time na nag-aaply pa ako ng work. Until now natatandaan ko pa rin sila, dahil naging parte sila ng nabanggit ko na options na binigay sa akin ni Papa Jesus sa last blog ko.

Ms. HR

Meet Ms. HR, I got a call from her inviting me for an interview for a development consultant position. Gulat man ako, Kinausap ko pa rin siya. Nagpakahumble, at sinabing…”I only I have a year and 4 months professional experience, I’m actually looking for developer/programmer post…” then she cut me, “Ok see you on Monday”. Bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung totoo o binge lang ako…sa cellphone kasi yung tawag. Di ako nagapply sa company na ‘yon, sabi nya nasearch lng daw ung resume ko sa jobsdb.

Pasalamat na rin ako at may tumawag sa akin tagal ko na kasing tengga sa bahay, ginawa ko ng favorites ang jobsdb and jobstreet.

Araw ng interview, late ako dahil sa gasgas ko ng dahilan na traffic. Kaya pagdating ko sa company ni Ms. HR hindi na ako mainterview dahil naka-plot na lahat ng iinterviewhin nila ng buong araw. Kaya ni-resched nya ako ng 5pm. Wala na akong magagawa dun dahil kasalanan ko naman, sayang ang outfit kaya kelangan ko maghintay.

Para naman di ako mukhang kawawa nagdahilan ako na may pupuntahan na lang muna ako na interview tapos balik na lang ako.

Umatend nga ako ng interview sa ibang company. Dumating ang 5pm di pa tapos ang interview ko sa pinuntahan ko kaya nagpaalam ako na malalate ulet kay Ms. HR. Pumayag naman siya. 6pm, isang oras ng huli sa interview, sinalubong pa rin ako ni Ms. HR ng ngiti kasabay ang hirit na “ang tagal ha” (uy di galit!)

Ibang tao ang naginterview sa akin. Mukhang ok naman ang lahat. Nang tinanong ako kung ano expectation ko sa company. Sumagot ako na tatlo lang consideration ko in choosing a company; Job, Compensation, and Environment, sabay paliwanag. Kumagat ang karisma ko, after ng interview umuwi akong baon ang pag-asa na papasa ako. Yohoo!

Dahil nga bibihira lang ang mga kompanyang tumatanggap ng mabilisang application. Di ko masyadong inasahan na makakarecieve agad ako ng tawag kay Ms. HR kinabukasan. Napakabilis ng pangyayari kahit ako shock, iinform kaba naman na contract signing mo na the next day e. Nang medyo nakahinga na ako at dahil na rin sa ka-excited-han ko, bigla kong nasabi na nasa malapit lang din ako sa area ng kompanya nila, kung gusto niya I can drop-by sa company nila ng araw din na yun.(excited nga!)

Sabi ko sa sarili ko babasahin ko lang ang contract at hindi muna pipirma, gusto ko lang makasiguro dahil nga meron din akong ilang prospects na company. Sobrang bigay biyaya contract pa lang, wala akong masabi, binigay pa yung expected ko na tulad din nmn ng dati kong salary. Maliban dun mas ok ang benefits, mas maraming leaves-oo exaggerated sa dami , may tax shield, HMO ‘til dependents, naka-iMac at ganda ng office. Pero by that time nga di pa ako decided pumirma kaya nanghingi ako ng palugit…

Dito nabigla si Ms. HR, at dun na nga pumasok ang pagiging psycho niya. Syempre unang tanong bakit ayaw ko pang pumirma?Nagpaliwanag ako ng maayos, sinabi ko nga na gusto ko muna rin makita offer nung kabila. [Ayan na parang nagmumukha akong pera]. Kaya kinabig ko kaagad na di po ito about sa salary kasi parehong-pareho lang offer ninyo sa’ken. So ano nga? Di na ako makasagot…sabi ko na lang nakapag-commit din po ako sa kabila kaso lang ang kelangan na lang is yung go signal ko na gusto ko talagang pumasok sa kanila para ipadala na sa principal sa Norway ung application ko(may ganon!). Alam ko by that time na negative impression na pinaggagawa ko, pero for the sake na gusto ko talagang maging safe kaya ko ginagawa yun.

Alam ko disappointed si Ms. HR, naramdaman ko yun, pero sobrang understanding niya pa rin kasi kung iba yun baka pinaalis na ako at binigay na sa iba yung slot. Iba si Ms. HR tinulungan nya ako na marealize ko ang mga bagay-bagay. Ilan sa mga parameters: bakit ko pa nga ba naman kelangan hintayin ang offer ng iba, e ito na nasa harapan ko na yung contract pirma na lang kulang, napakaswerte ko na nga kung tutuusin dahil sa mga ininterview na kasabay ko ng araw na yun ako ang least experience and ako ang pinaka-junior pero ako pa rin una nilang pinili, within a day may feedback na then contract agad sinong di makaka-appreciate ng ganon, gusto talaga nila ako kasi although lacking ako ng knowledge kumpara sa iba sa ‘ken napunta yung chance, binigay nila yung asking ko na maximum pa at higit sa lahat dito sigurado na akong may trabaho na kumpara sa hinihintay ko na 70 – 30% ang possibilities na makakapasa dahil may approval pa ng mga principal sa ibang bansa.

Ang worry ko kasi pano nga naman kung idecline ko offer ni Ms. HR, tapos bigay ako go-signal sa isang company then madisapproved ng mga principal application ko. Ang ending lahat nawala sa akin.

O db ang hanap ko safety, ito ibinigay na saken. Dito ako safe no need to wait. Ending pumirma ako ng araw din na yon sa contract ni Ms. HR. Sorry ako ng sorry sa kanya sa mga nasabi kong uncertainties, lahat yun ok lang sa kanya. Nagthank you pa nga siya dahil naging part siya ng decision ko, bait nga naman talaga.

Dito na ako work ngayon pano ba naman kinabukasan din start na ako. Within three days natapos application ko, okey db?!. Monday night – interview, Tuesday afternoon – contract signing, then Wednesday – start of work as Development Consultant. Oops wag magtaka java developer yan….hehehe!


Next blog si Mr. Guy naman at ang humahabol na bombay…humahabol daw oh!

No comments: