Sunday, October 5, 2008

The unconventional “Lamay”

Medyo kakaiba na talaga ang panahon ngayon. Akala ko kasi dati kapag may pumanaw o namatay na kakilala natin: kaibigan, kamag – anak, kapitbahay, celebrity o iba pa, ang unang sasagi sa isip natin pagdating ng lamay: iyakan, kalungkutan at pagdadalamhati.
Conventional ito o tradisyon dito sa atin. Isama mo na rin ang mga scenario na kadalasang nangyayari sa isang lamayan:

May saklaan o sugalan – “tong –its” at pusoy sa matatanda, unggoy – ungguyan naman sa mga bata, may majhong, bingo at iba pang larong perahan. Siyempre nasa gitna ng mesa ang “Tong”, ito yata yung pampalubag loob o balato ng mga nanalo sa pamilya ng namatayan. Bayad na rin siguro sa candy, kape at biskwet na iniaabot sa mga sugarol habang nagsusugal sila.

Kape’t Biskwet – sino nga bang hindi nakatikim nito sa lamay. Pampagising daw sa iba para di antukin, pero sa iba hapunan ‘to…hehehe. Kadalasan ito rin ang bitbit na mga kakilala bilang donasyon, kaya nga nauso sa mga supermarket ang lata o container ng mga biskwet e para marami. Yung kape naman medyo mahal yun kadalasan pamilya talaga ang nagpro – provide.

Actually, marami pang iba: mga kasabihan, mga bawal at kung ano –ano pa, pero ayokong maging tutok nang blog na ‘to ang tradisyonal na lamay kasi nga naman nababasa naman sa title kung ano talaga ang topic ko, Unconventional o kakaiba sa ordinaryo.

Marami ng nagbago, kumbaga lahat ng hindi uso, baduy !Pero hindi ko akalain na pati sa lamay o funeral may changes na rin. Nakiramay kasi ako sa kaibigan ko dahil pumanaw na yung mama niya last week. Maraming tao ang dumating, marami ang nakiramay at nagbigay suporta sa pamilya. Dito ko nakita ang tunay sa pagsunod sa kagustuhan ng namatay. Dahil sa kagustuhan ng pamilya na sundin ang huling habilin, sinunod nga nila ang request ni Tita, gusto niya purple ang motif ng kanyang lamay. So everything has shades of violet, favorite color kasi ni tita ang purple.

May videoke machine – totoo nga kasi ang bilin ni tita ayaw niya ng malungkot sa lamay niya, gusto niya masaya so nagkaroon nga ng videoke machine at nagkantahan ang mga lasing, kasama ako!...hehehe. Aside from the two, na purple motif and videoke machine sinunod rin ng pamilya ang iba pang habilin, di ko na nga lang babanggitin.

During lamay naka – kwentuhan ko ang ilang mga kasamahan sa simbahan, mga brothers at student friars. Nakakatawa pero ang napag – usapan e yung mga gusto mangyari ng mga bros. pagnamatay sila. Kakaiba nga talaga, swear

Isa sa kanila ang nagsabi na dahil favorite color niya rin ang purple, ang gusto niya purple color ang kabaong niya, as in color customization ito. Gusto niya pa nga sanang hingin yung sandals na nakalagay sa loob ng kabaong ni tita e para daw madagdagan ang collection niya ng purple na mga bagay sa loob ng kwarto niya. Ito pa, ayaw niya ng may bulalak o ung tinatawag na mga korona ng patay na nakapalibot sa kabaong niya, ang gusto niya water fountain in different sizes and heights…ang galing diba?!. Meron rin daw dapat mga floating scented candles na nakasindi sa tubig. Isang araw o gabi lang siya ilalamay kinabukasan libing na, sayang kasi sa tubig e pag masyado matagal, conserve water dapat. Ang nakakatawa sa lahat ng gusto niya, dapat daw naka – side view ang mukha niya ayaw niya ng regular na nakahiga lang….LOLz. O anong masasabi mo?

Ito naman ang hirit ng isang bro. gusto niya ang setting ng kanyang burol, malapit sa dagat…wow medyo okey ito. Kaso lang biglang may kasunod na hirit, dapat daw may mga sirena at siyokoy sa paligid…waah idol niya si Dyesebel. At ang huli niyang kagustuhan na nagpahalakhak sa akin ay ayaw niyang sa kabaong siya nakalagay, dahil gusto niya ay sa loob ng bukas na clam shell…wahahaha! Ang saya nasa loob siya tapos ung posing niya dun parang sirenang – sirena rin. *rolling on the floor laughing*

haah...Kayo baka may request din kayo? Ang sabi kasi nila mas maganda daw kung pinaghahandaan ang kamatayan para mas matagal daw kunin ni Papa Jesus. Natatawa man akong e – picture out yung mga gusto ng dalawang bro. na ito, pero mukha silang seryoso…hihihi.

Your wish is my command” nga e, siyempre for the last time mo na lang makikita sa lupa ang taong namatay na kakilala mo, hindi mo pa ba siya pagbibigyan?. Gusto rin naman natin kahit papaano maging masaya sila kung nasaan man sila naroroon. Mamaya multohin pa tayo pag di natin pinagbigyan(katakot!). Pero ang higit na mahalaga ay yung iniwan ng tao na legacy and memories sa mga naulila niya pati na rin sa lahat ng mga taong nakakakilala sa kanya. Memories can live forever kahit wala na ang isang tao. Kaya dapat e - cherish natin yun.

No comments: